Varietal Selections
CHICO
CITRUS
DURIAN
GRAPES
JACKFRUIT
LANZONES
LYCHEE
LONGAN
MACOPA
MANGO
MANGOSTEEN
PUMMELO
RAMBUTAN

CHOKANAN
MAGALLANES DAVAO PUMMELO
DURIAN


Kaunlaran, Agriculure Magazine
ANG NURSERY SA BUHAY NI KA BERNIE
ni Marilou Angulluan Alejandro
  
Si Ka Bernie Dizon sa kanyang nursery sa Central Luzon State University (CLSU), Nueva Ecija at si Dr. Teresito De Guzman Aguinaldo ng CLSU. Masayang pinagmamalaki sa anim ang mga bunga ng Golden Queen mango.

Taong 1975 nang simulan ni Dr. Bernardo Dizon ang nursery ng mga punong namumunga. Napagpasiyahan ni Ka Bernie na magtayo na lamang ng nursery matapos niyang maging Green Revolution Consultant ss Ministry of Human Settlement (Housing Project) noong Marcos administration. Sa proyektong ito, tinuruang magtanim ng prutas ang mga nasa settlement areas.

Dahil dito, na-engganyo si Ka Bernie na magtayo at gawin na kabuhayan ang nursery. At nagtagumpay nga siya rito. Ipinagmamalaki niya na dito nanggaling ang ikinabuhay at pinangtustos sa pag-aaral ng kanyang apat na anak. At ngayon ay mga titulado na, meron siyang Doctor, Agriculturist, Engineer at Business Administration graduate.

Ang kanyang produksyon ng mga punla ay nasa Central Luzon State University (CLSU) at Ninoy Aquino Parks & Wildlife. Sa parehong lugar na ito, makabibili ng mga punong namumunga. Itinuturo sa Wildlife ang tamang pag-aalaga ng mga punong namumunga katulad ng pagdudugtong, pag-aabono, pruning, top working at kung anu-ano pa.

Exotic fruit trees at mga prutas na galing ng ibang bansa ang pinaparami ni Ka Bernie. Tinulungan siya ni Dr. Teresito Aguinaldo ng CLSU na siyang nagdala ng scion ng manggang Chokanan, Nam Doc Mai, at iba pang cultivar galing Thailand. Samantalang si Dr. Pablito Pamplona naman ang nagbigay ng longkong lanzones na ibinebenta noon sa Manila Seeling Bank.

Ang mga halaman sa nursery ni Ka Bernie ay namumunga taun-taon dahil double rootstock. Hindi rin ito katulad ng ating normal na prutas na by nature ay biennial fruiting o yung mamumunga ngayong taon at sa susunod na taon ay magpapahinga.

PAGSISIMULA NG NURSERY

Ang pagpo-prodyus ng panamin ang kinakailangan sa pagsisimula ng nursery. Importante na marunong kang magpatubo o alam mo kung paano patubuin ang bawat buto. Hindi kasi pare-pareho ang buto. Merong mga buto na kailangang i-break ang dormancy period bago tumubo. Meron din dyan na itapon mo lang sa tabi ay tutubo na.

Iba't ibang paraan din ng pagpaparami ang ginagawa ni Ka Bernie tulad ng; grafting, marcotting, topworking at pruning. Sa panayam natin kay Ka Bernie ang pinakakailangan sa pagsisimula ng nursery ay meron kang mother tree. Makapagsisimula ka rin ng isang nursery sa halagang sampung libo.

Ang paghihintay na mabuhay ang punla ang mahirap. Kaya ang payo ni Dr. Bernie Dizon ay kailangan ng sipag at tiyaga.

Sa ngayon ang tanging pangarap na gustong maiwan ni Ka Bernie ay ang maturuan ang bagong henerasyon na maisalin sa kanila ang kanyang mga kaalaman sa paghahalaman. Libre niya itong ibinabahagi sa mga nais matuto. Sa katunayan, naumpisahan niya ito noong huling anim na buwan sa serbisyo ni datiing Agriculture Secretary Procy Alcala. Ibinahagi niya ang mga teknolohiya ng pagpaparami ng punla sa iba't ibang rehiyon sa Pilipinas kasama ang Provincial / Municipal Agriculturist. Ngayon ang mga sumama sa training noon ay mayroon na ring sariling nursery.

Sa ngayon ay may natitira pang limang taon si Ka Bernie sa kanyang kontrata sa Wildlife at apat na taon sa Central Luzon State University (CLSU) upang makapagsanay ang mga gustong matuto sa teknolohiya ng produksyon ng mga punong namumunga.

Sa kanyang nursery sa Wildlife at CLSU ay makikita ang iba't ibang klase ng prutas na namumunga. Hitik sa bunga ang kanyang mangga, rambutan, lanzones, suha, mangosteen, durian, kalamansi (iba't ibang klase), macopa at grapes. Meron din siyang lychees at guyabano.
AUTHOR
Practical Guide to Backyard and Orchard Faming
HUE RAMBUTAN
R162 RAMBUTAN

RONGREIN RAMBUTAN

R5 RAMBUTAN

JITLEE RAMBUTAN

CLSU-DIZON

PROJECT


Home of Quality Imported and Exotic Fruit Trees
HomeOur Technology  |  Sales  |  Demo Centers
email: dizonexoticfruittrees@gmail.com  |  facebook
Copyright © 2025 Dizon Exotic Fruit Trees. All Rights Reserved
by Dr. Bernardo "Ka Bernie" O. Dizon
Bernardo S. Dizon II   (+63) 09167110324