Varietal Selections
CHICO
CITRUS
DURIAN
GRAPES
JACKFRUIT
LANZONES
LYCHEE
LONGAN
MACOPA
MANGO
MANGOSTEEN
PUMMELO
RAMBUTAN

CHOKANAN THAI MANGO
MAGALLANES DAVAO PUMMELO
DURIAN

CLSU-DIZON

PROJECT



Kaunlaran, Agriculure Magazine
SINO SI KA BERNIE DIZON?
ni Louie N. Tabing
"Ako ang tao na noong bata ay hindi nakaranas maglaro"

Iyan ang pagtatapat sa akin ni Ka Bernie Dizon o Dr. Bernardo O. Dizon, Sr. nang minsang kami ay nagkakwentuhan. "Kasi noon, kapag hindi ako sumunod sa bukid pagkarating ko mula sa paaralan, palo ng aking ama ang aking aabutin."

Si Ka Bernie Dizon, ngayon ay 70 taong gulang, isinilang sa Bongabon, Nueva Ecija sa mag-asawang magsasaka na ang malaking puhunan ay ang kasipagan.

Dahil sa hirap sa buhay at walang pantustos sa pag-aaral, namasukan si Ka Bernie bilang katulong sa malaking tindahan at pasugalan ng isang kamag-anak sa Gabaldon, Nueva Ecija. Kaya doon siya pumasok at nakapagtapos ng highschool.

Sa kakulangan ng pahinga sa gawain, pagdating ng klase ay nakaktulog na lamang sa loob ng silid-aralan. "Iyan ang dahilan kung bakit ako ay nabigyan ng pinakatahimik award sa first year at second year highschool," salaysay ni Ka Bernie.

Dahil sa awa ng kanyang school adviser, ginawa siyang caretaker ng babuyan at manukan na may sweldong P.25 per hour. Nagtanim din si Ka Bernie ng repolyo (cabbage) at sibuyas na kung saan nakatipon siya ng P1,000. Nang magtapos sa highschool, siya ang binigyan ng farmer of the year award.

Kinikilalang "poor man's university," sa Central Luzon State University ipinagpatuloy ni Ka Bernie ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa CLSU ay pinagbuti na ni Ka Bernie ang pag-aaral sa layong mabilang sa honor roll at makakuha ng scholarship (Citizen's Bank at Don Andres Soriano Memorial Scholarship). Para makamenos sa mga gastusin, pumasok pa ring houseboy si Ka Bernie sa isang propesor sa CLSU.

Natapos niya ang kursong Bachelor of Science in Agriculture, major in soil science sa Central Luzon State University noong taong 1969. Pagkatapos ng kurso, nagtrabaho kaagad si Ka Bernie bilang farm manager sa isang plantasyon ng tubo, kape at citrus, sa Nasugbu, Batangas. Doon niya ipinakita ang kahusayan niya sa pangangalaga ng lupa (cntour farming at fertilization). Ang produksyon sa plantasyon ay napataas niya ng sampung beses.

Nag-aral pa rin si Ka Bernie sa Batangas Southwestern College sa panggabing klase at natapos ang kursong Bachelor of cience in Commerce.

Ibinuhos na ni Ka Bernie ang kanyang propesyon at panahon sa pag-iisip, pananaliksik, pagtuturo sa mga kababayan sa fruit tree propagation -- pagpaparami at pagtatanim ng mga punong namumunga lalo na ang tinatawag niyan mga exotic fruits gaya ng lokong lanzones, lychees, mga imported at matataas na uri ng lokal ng mangga, rambutan, durian, etc.

Mula nang makilala ko si Ka Bernie, noon pang kalagitnaan ng 1970s, hindi ko siya nakitaan ng anumang bisyo o libangan man lamang. Libangan na niya ang trabaho, o baka mas angkop na sabihin, ang trabaho ang kanyang libangan.

Ang debosyon sa trabaho, negosyo at misyon na palaganapin ang pagtatanim ng mga punong namumunga ay ang krusada ni Ka Bernie. Sa ilalim ng ganoong punyagi at panuntunan sa buhay itinaguyod at pinagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang apat na anak na lalaki ng mga kursong medicine, agriculture, electronic engineering at businesss administration.

Nakasama ko sa aming kapitbahayan si Ka Bernie noong 1978 matapos na aking i-arrange na magkaroon ng isang maliit na nursery sa harap ng UP BLISS sa Quezon City. Nang hindi na makayang pangasiwaan ng samahan sa UP BLISS ang ubasan, siya na mismo ang nagasiwa. Doon na rin siya nanirahan matapos makabili ng isang unit sa naturang pamayanan.

Sa kabila ng kanyang pagiging abala, si Ka Bernie ay pala-kaibigan at masayahin. Marami sa kanyang mga kaibigan ay mga malalaking tao, matataas na propesyonal, mga pinuno sa pamahalaan, media men, opisyal ng militar, pulitiko at mga taong may sinasabi sa lipunan.

Sa Kabila nito, madali siyang makalapit-puso ng karaniwang mga magsasaka at mga apisyonado sa pagtatanim.

Isa sa mga malalaking tao na naging kapalagayang loob ni Ka Bernie ay si Eduardo Danding Cojuangco, na mayroong libu-libong ektarya ng taniman ng mga puno sa Visayas at sa Palawan.

Si Ka Bernie ay ginawang technical consultant ni Mr. Cojuangco para sa kanyang malawak na pataniman ng mangga, langka, longkong lanzones, pili, durian, mangosteen at iba pang mga namumungang puno sa Negros.

Wala mang masasabing sariling malawak na plantayson si Ka Bernie, hindi na mabibilang ang kanyang nabigyan ng magkaakibat ng tulong -- technical advice at pagtatanim ng mga matataas ng uri ng mga pananim.


Ilan lamang sa mga natulungan ni Ka Bernie na magtatag ng kanilang mga plantasyon ay ang mga sumusunod sina Atty. Victor P. Lazatin sa Tianong, Quezon; Atty Avelino "Nonong" Cruz sa San Marcelino Zambales; Henry Dupo ng La Paz, Abra' Atty Romeo T. Capulong sa Quezon Nueva Ecija, at maraming iba pa.

Ang mga patanimang ito ng mangga, lanzones, rambutan at iba pang mga puno na karamihan ay ginagamitan ng double rootstock technology, ay nasa kasagsagan ng pamumunga ngayon at maituturing na monumento ng pagiging malikhain at mapag-isip na si Ka Bernie Dizon.

Sa Kabila ng kanyang mga nagawa, may mga taong nagtapos ng mataas na pinag-aralan sa mga pamantasan na ipinagwalang bahala ang mga bunga ng sarling pag-aaral ni Ka Bernie. Gayumpaman, hindi maitatatwa na ang kanyang mga pamamaraan ay praktikal at maka-agham.

Sa hangaring makapagturo sa mga estudyante at magsasaka sa larangan ng pagtatanim ng mga puong namumunga, nakipagkasundo siya sa kanyang alma mater na CLSU upang doon magtatag ng nursery, demonstration and research center.

Doon niya napatunayan na sa Central at sa Norther Luzon, ang mga rambutan, longkong lanzones, durian, Davao pummelo, lychees, longan at mangosteen ay namumunga sa buwan ng Marso hanggang Hulyo. (Ang mga ito ay namumunga sa buwan ng Agosto hanggang Oktubre sa Southern Luzon, Mindoro at Mindanao).

Mas mahal ipagbili ang mga bunga ng prutas kung off seaon. Halimbawa ang longkong lanzones ay nabibili ng P600-800 per kilo na sa karaniwang buwan ng pamumunga ay nabibili lamang ng P250 - P300 per kilo.

Isa sa mga katangian ni Ka Bernie ang pagiging matapat sa kanyang mga parukyano. Sa mahabang panahon ng kanyang negosyo fruit tree nursery business, wala akong nabalita na nagreklamo tungkol sa kalidad ng kanyang mga pananim o sa bilihan nila Ka Bernie.

Kaya naman isa sa madalas na himutok ni Ka Bernie ay ang pagsasamantala at panloloko na ginagawa ng ibang nagnenegosyo ng mga pananim.

Noong taong 2008, si Ka Bernie ay ginawaran ng titulong Doctor of Humanities (Honoris Causa) ng Nueva Ecija University of Science and Technology bilang pagkilala sa kanyang naiambag at talinong ipinamalas sa larangan ng pomology o agham sa pagtatanim ng mga punong namumunga.

Pinahalagahan ng NEUST ang kanyang mga pamamaraan sa double and multiple rootstock technology o paggawa ng dalawang o higit pang dami ng punong may ugat (double and multiple root stock) upang magkatuwang na suplayan ng pagkain ang isang itaas ng bahagi ng halaman.

Nakasulat na rin siya ng aklat na may pamagat na Practical Guide to Backyard and Orchard Faming na sa mga sandaling sinusulat ang artikulong ito ay may pangalawang edition na handa nang ilabas.

Kung isang pamantayan ng pagsusuri sa nagawa at iiwang pamana ng isang tao sa daigdig ang magtanim ng puno, sumulat ng isang aklat at magkaroon ng anak na lalaki, labis-labis pa roon ang nagawa ni Ka Bernie.

Sa ganang akin, ang pamana ng aming mahigit na 40 taon ng tapat, masaya at mabungang pagsasamahan ay isang matibay na monumento ng malalim na pagkakaibigan. Ito ang modelo pra sa aming mga anak, apo at ng susuod na saling laki.

Ipinagmamalaki kong ako'y nasa isang munting sulok sa kasaysayan ng mabungang buhay ng isang bayani ng agrikultura - Si Dr. Bernardo O. Dizon, Sr.
DENR-PAWB
HUE RAMBUTAN
R162 RAMBUTAN

RONGREIN RAMBUTAN

R5 RAMBUTAN

JITLEE RAMBUTAN

     
Home of Quality Imported and Exotic Fruit Trees
HomeOur Technology  |  Sales  |  Demo Centers
email: dizonexoticfruittrees@gmail.com  |  facebook
Copyright © 2025 Dizon Exotic Fruit Trees. All Rights Reserved
by Dr. Bernardo "Ka Bernie" O. Dizon
Bernardo S. Dizon II   (+63) 09167110324