Varietal Selections |
|
 |
 |
|
MIYAZAKI JAPANESE MANGO |
|
ONE-YEAR OLD IMPORTED JAPANESE RED MANGO,
NAPATUBO
AT NAPAG-BUNGA NI DR. BERNIE DIZON |
Ulat ni Bernie Diaz |
|

Muling
napatunayan ni Dr Bernardo 'Ka Bernie' Dizon ang kanyang
natatanging kaalaman sa pagpapatubo at pagpapabunga ng mga
exotic imported fruit bearing trees.
Si Doc Bernie, the only surviving Pomologist/ fruit
expert with breakthroughs in propagation and culture of best
varieties in the world ay kasalukuyang pinagyayaman ang
kanyang 2-hectare nursery sa Caryana Monastery, Magalang,
Pampanga.
Sa loob ng bakuran ng monasteryo iba't ibang fruit
bearing trees ang nakatanim na kasalukuyang namumunga tulad
ng Durian, Chocanan, Nandocmai, lansones, latexless
jackfruit, grapes at iba pa.
Napag-alaman na ang mga high value fruit trees na
nakatanim sa malawak na bakuran ng
simbahan ay mga tanim nina Bro. Ric Trumata kasama ang iba
pang mga residente ng monasteryo. Ang ibang mga seedlings ay
nabili mula sa nursery ni Doc Bernie sa Ninoy Aquino Park
Wildlife, Quezon City maraming taon na ang nakakalipas. Si
Bro. Ric, ang isa sa mga nag-aalaga ng mga pananim.
Matatandaan na nitong nakalipas na taon, natapos ang
Memorandum of Agreement (MOA) ng CLSU-Bernie Dizon Fruit
Center at hindi na napagkalooban ng extension o palugit ng
presidente ng pamantasan.
Si Doc Bernie ay consultant ng Bacao Reforestation
Project sa Palayan City at naging daan si G. Noel Puno,
namamahala ng proyekto upang makarating ito sa Monasteryo.
Ayon kay G. Puno, matagal na palang hinahanap ng mga pari at
namamahala ng simbahan ang Pomologist/ fruit expert para
makatulong sa pagpapayabong ng kanilang mga fruit trees.
Ang yumaong pari sa monasteryo na si Rev. Father Odon
de Castro noong nabubuhay pa
ay natuwa at nagsabi.. "magkakarooon na ng kaganapan ang
aking propesiya na maging 'Fruit Paradise' ang monasteryo sa
pagdating dito ni Ka Bernie Dizon".
Kabilang sa mga seedlings ni Tukayo Bernie na ngayon ay
matatagpuan sa nasabing lugar ay ang Japanese Red Mango,
Namdocmai and Chokanan Mango of Thailand, Alphonso Mango of
lndia, Harumanis Mango of Malaysia, Golden Queen of Taiwan,
Luz seedless Calamansi ,Giant Calamansi, Bearse lime,
Latexless Jackfruit of Malaysia, Longkong seedless Lanzones,
Thai Durian, The 24 Durian of Malaysia, Dwarf Mangosteen,
Red Black and Golden Grapes. Double or multiple rootstock
technology that produce off season fruiting ahead of Davao
in luzon.
Si Ka Bernie ay mentor din ni Mer Layson, sa fruit
trees. Kamakailan, naging guest ni Layson si Doc Bernie sa
kanyang programa sa Season 5 Episode 5 ng Masaganang Buhay
TV at Radio Show ng Magsasakang Reporter.
Sinabi ni Layson "Tiyak po na ma-inspire, ma-educate at
ma-motivate kayo kapag napanood ninyo si Ka Bernie. Isa
siyang tahimik, masipag, mabait, maka-Diyos at makakalikasan.
Bukod sa Magsasakang Reporter, regular siyang kasama nina
Julius Babao at Christine Versola Babao sa mga vlog sa
YouTube channel na umaani ng million viewers. |
|
|