Varietal Selections |
|
 |
 |
|
Kaunlaran, Agricultural Magazine |
Exotic Fruits ni
Dr. Bernie Dizon |
by Cheche
Vega Masicat |
Golden Queen Taiwan Mango
Higit na malaki kaysa Chokanan ang Golden Queen mango na
umabot sa 1 kilo at kalahati ang bunga. Bagama't hindi
kasing sipag bumunga na gaya ng chokanan maaari namang mag
spray ng calcium nitrate. Kapag namulaklak ay hayaan lamang
at magtutuluy-tuloy na ang pamumunga nito. Panahon din ng
tag-ulan kung mamunga.
Sinasabing maiksi ang physiological maturity ng dahon ng
Golden queen at iba pang imported na mangga. Halimbawa na
ang kainalabaw na mangga mula sa pagputat (young shoot) ay
aabot ng 6-7 months bago maaring mamunga. Ang mga imported
varieties na gaya ng Golde queen mula young shoot isang
buwan lang ang hinihintay at maari ng mamunga.

Sa karanasan ni Ka Bernie noong nakaraang Abril sa Central
Luzon State University (CLSU) nagputat ang ga binti na puno
ng kanyang Golden Queen at sa pamamagitan ng paglalabay ng 2
kilo ng complete fertilizer ay namulaklak agad ito ng Mayo
kahit walang ibang iniispray. Napakarami ng ibinunga ng
kanyang Golden Queen, Chokanan at Nam Doc Mai.
|
|
|
|