Varietal Selections |
|
 |
 |
|
Kaunlaran, Agricultural Magazine |
Exotic Fruits ni
Dr. Bernie Dizon |
by Cheche
Vega Masicat |
|
Chokanan Mango
Tinaguriang
"eating green" na ang laki ay halos kalahating kilo ang
isang piraso. Sa bansang Thailand
"honey mango" ang tawag dito dahil sa sobrang tamis
kapag nahinog.
Heavy fruiting ang chokanan mango sa panahon ng
tag-ulan. Maganda nga raw itong itanim ayon kay Ka Bernie
dahil sa mga panahon na maraming mamunga ang Chokanan ay
saka naman walang bunga ang manggang kinalabaw natin. Madali
rin pabungahin kahit walang spray ng potassium
nitrate.
Tolerant o matibay sa peste at sakit ang Chokanan
mango na katulad ng Nam Doc Mai, Golden Queen at Peach
mango. Makapal ang balat ng bunga kaya't hindi madaling
malamog kung ibabyahe sa malayo. Ito rin ang pangunahing uri
ng mangga na ini-export ng Thailand at Malaysia sa
Middle East na kasing halaga ng ating manggang kalabaw. Para
kay Ka Bernie mainam i-proseso ang bunga nito bilang
dried mango dahil likas ng makunat ang laman ng
Chokanan at hindi na kinakailangan lagyan ng pampakunat. Ang
napakasarap na Chokanan ay ang yugto ng pagkamanibalang.
Dahil sa kasikatan ng Chokanan mango ay may mga nagpropagate
nito at pinalitan ang pangalan. Ang
mga mapagsamantala ay naibebenta ito sa halagang
P2,500-3,500 na kung minsan ay sinasabing tissue culture at
double rootstock. Habang maari
lang naman mabili ang double rootstock na Chakanan sa
halagang P500.00 kay Ka Bernie.
Sa merkado ay halos pumapatak na P80.00 per kilo ang bunga
nito. Bagama't magandang itanim dahil sa tuluy-tuloy na
pamumunga nito ang nakikitang problema naman ni Ka Bernie ay
ang kakulangan ng supply ng chokanan sa bansa.
|
|
|
|